RETORIKA'Y SINING NA MEDISINA
Angelica Jane A. Bolalin
I.
Isang medisina na para sa lahat
Sa masing na paraan ito'y isinisiwalat
Libreng gamot sa panloob na karamdaman
Sa buto't kaluluwa ito ay kagalingan
II.
Ang retorika'y sining ng bawat isa
Tumagops ito maging sa kaluluwa
Inukit man sa bato o sinulat ng makinilya
Iisa ang nais, ang ihayag ang katha
III.
Mga salita na sa bibig mo'y kinakalag
Hindi lang natatapos sa pag papahayag
Ito'y nakapag papagaling at nakapag papasaya
Mga pusong nabibigatan, nag kakaroong butil ng pag asa
IV.
Kaya masing na pag papahayag ay ating ipalaganap
Upang malusog at masaganang buhay ay ating malasap
Maligayang salita ay parang pulot pukyutan
Matamis sa kaluluwa at isang kagalingan
V.
Medisina kung ituring ang bawat retorika
Sinasalat ang kasuluksulukan ng bawat mambabasa
Binago ang nakasanayang ugali at gawa
Sa buto, laman at kaluluwa ito"y medisina
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento