Ang Relasyon ng Retorika sa
Medisina
Isinulat nina: Matanguihan, Jessa , Matanguihan, Gail , Pedraja, RJ , Bulaclac, Rio , Jimenez, Shaquille
Bilang
isang mag-aaral, alam naman natin na itong panahon na ito ay nararapat na
gugulin upang maging handa sa magiging trabaho sa hinaharap. Ang pag-aaral ng
retorika ay isang hakbang upang maging isang epektibong Radiologic
Technologist. Hindi lamang bilang isang RadTech kundi, pati na rin sa mga
magtatrabaho na may kinalaman sa medisina.
Ano
nga ba ang retorika? Ang retorika ay ang masining na pagpapahayag. Kalakip nito
ang mga kinakailangan na isaalang-alang upang maipahayag ang mga bagay ng tuwid
at hindi paliguy-ligoy. Bilang isang mag-aaral na RadTech, ang kaalaman sa
retorika ay isang mahalagang bagay upang maipahiwatig namin sa mga pasyente ng
diretso at madali nilang maiintindihanang mga eksaminasyon na gagawin sa
kanila. Ang komunikasyon sa pagitan ng mga magiging pasyente at sa amin ay
napaka-importante sapagkat dito nakasalalay ang buhay nila. Ang maling
pagpapaintindi sa kanila ng mga eksaminasyon na gagawin ay maaaring magpahamak
sa kanilang buhay. Isa lamang itong halimbawa sa mga trabaho sa medisina na
kinakailangan ng kaalaman ng retorika. Gayundin ang mga doctor na silang
inaasahan at madalas na pinapaniwalaan ng mga pasyente. Kaunting pagkakamali ng
kanilang mga sinasabi, maaari itong makaapekto sa buhay ng pasyente.
Ang
medisina ay isa sa mga aspeto na inaasahan ng bawat tao para sa mga buhay nila.
Kapag may nararamdaman na hindi maganda ay agad silang kumukonsulta sa mga
doctor. Ang katangian ng retorika na nararapat na madali itong maintindihan ng
mga tagapakinig ay kinakailangan sa medisina. Ito ay upang mapadaling
intindihin ng mga pasyente sa kabila ng mga salita ng medisina na hindi naman
ordinary pakinggan sa pang araw-araw na usapan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento