Retorika Sa Medisina
Isinulat nina: Adam Cezar, Rachelle Landicho, Larra Moreno,
Jenna Arlegui at Eddie Dumale Jr.
Alam naman nating lahat na ang Retorika ay ginagamit natin sa pang araw araw na buhay. Mapa studyante, propesor, doktor o kahit dyanitor man. Unang una sa lahat, ano nga ba ang Retorika? ito bay ay isang asignatura sa ilalim ng Filipino? O isang salita na nakaligtaan na ng nakararami ang gamit ngunit gamit na gamit naman ito. Sa madaling salita ang Retorika ay masining na pagpahayag, ultimong opinyon mo ukol sa sanaysay na ito ay Retorika din.
Sa larangan ng Medisina, hindi lingid sa kaalaman ng lahat na maraming kadugu-dugong mga salita ang pinag aaralan. Kung kaya't nasa kamay na ng doktor, nars o kahit sinong personalidad sa medisina ang pagpapaliwanag ng mga ubod ng komplikadong mga salita kagaya ng: "Hypocalcemia na nangangahulugang, mababa ang Calcium sa katawan at ang Calcium naman ay isang mineral na kailangan ng tao para sa pagpapatibay ng mga buto."
Masasabi natin na napakahalaga ng Retorika sa larangan ng medisina, paano na lang ito ipapaliwanag kapag nawala ang retorika? O maipaliwanag pa ba ito ng mga guro sa mga magiging doktor kung walang retorika?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento