Medisina para sa retorika
Marwyn Marcus P. Leaño
Marwyn Marcus P. Leaño
Tunay na ang retorika'y isang sining na malikha
Mga likhang nagagawa nitoy nakabibighani, nakamamangha
Kahit simpleng paggamit ng mga salitang marubdob
Nakakatuwa, nakakaaliw, nakakagaling sadya
Ngunit ang problema'y hindi sa retorika mismo
Kundi ang mga retorikang likha ng mga tao
Pasulat man o pasalita man ay sadyang nakakapanloko
Paano na ang pagunlad ng bayan? Paano na tayo?
Hindi maitatanggi na ang retorika ay kinakailangan
Ginagamit it ng mga tao, tayo, mga anak ng bayan
Pero utang ng loob, ang bawat salitang iyong binibitawan
Sa likod nito'y walang tangis at matigas na paninindigan
Kahit sa ngayon ako'y gumagamit ng retorika
Pagkat kailangan ko maghayag at maglahad
Kung wala ang retorika eh di ito'y wala sana
Tulang tungkol sa mga Retorikaristang kailangan magbayad
Parang away nyo na ang retorika'y isang magandang bagay
Isa ito sa mga nagdadagdag ng kulay sa buhay
Isang medisinang nakapanggagamot ng kalungkutan ng tao
Pero ngayo'y nakakapanakit nalang ito
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento