Linggo, Agosto 23, 2015

Pangkat 5: Retorika at Medisina

Retorika at Medisina
Pangkat 5
Masasabi kong napakahalaga ng retorika
Sa paaralan man o sa medisina
Tumutulong ito para magkaunawaan
Ito ang mag dadala sa tuwid na daan

Ginagamit ito sa maayos na komunikasyon
Galing ito sa maayos na edukasyon
Dahil dito nagagawa ko ang magtrabaho
Gamutin ang lahat lalo na ang naperwisyo

Retorika at medisina ay lagging magkasama
Kung wala ang isa hindi ito uubra
Isipin ninyo kung walang komunikasyon

Paano na ang kanilang medikasyon

Ang Relasyon ng Retorika sa Medisina


Ang Relasyon ng Retorika sa Medisina
Isinulat nina: Matanguihan, Jessa , Matanguihan, Gail , Pedraja, RJ , Bulaclac, Rio , Jimenez, Shaquille
Bilang isang mag-aaral, alam naman natin na itong panahon na ito ay nararapat na gugulin upang maging handa sa magiging trabaho sa hinaharap. Ang pag-aaral ng retorika ay isang hakbang upang maging isang epektibong Radiologic Technologist. Hindi lamang bilang isang RadTech kundi, pati na rin sa mga magtatrabaho na may kinalaman sa medisina.
Ano nga ba ang retorika? Ang retorika ay ang masining na pagpapahayag. Kalakip nito ang mga kinakailangan na isaalang-alang upang maipahayag ang mga bagay ng tuwid at hindi paliguy-ligoy. Bilang isang mag-aaral na RadTech, ang kaalaman sa retorika ay isang mahalagang bagay upang maipahiwatig namin sa mga pasyente ng diretso at madali nilang maiintindihanang mga eksaminasyon na gagawin sa kanila. Ang komunikasyon sa pagitan ng mga magiging pasyente at sa amin ay napaka-importante sapagkat dito nakasalalay ang buhay nila. Ang maling pagpapaintindi sa kanila ng mga eksaminasyon na gagawin ay maaaring magpahamak sa kanilang buhay. Isa lamang itong halimbawa sa mga trabaho sa medisina na kinakailangan ng kaalaman ng retorika. Gayundin ang mga doctor na silang inaasahan at madalas na pinapaniwalaan ng mga pasyente. Kaunting pagkakamali ng kanilang mga sinasabi, maaari itong makaapekto sa buhay ng pasyente.

Ang medisina ay isa sa mga aspeto na inaasahan ng bawat tao para sa mga buhay nila. Kapag may nararamdaman na hindi maganda ay agad silang kumukonsulta sa mga doctor. Ang katangian ng retorika na nararapat na madali itong maintindihan ng mga tagapakinig ay kinakailangan sa medisina. Ito ay upang mapadaling intindihin ng mga pasyente sa kabila ng mga salita ng medisina na hindi naman ordinary pakinggan sa pang araw-araw na usapan. 
Retorika at Medisina
Pangkat 5
Masasabi kong napakahalaga ng retorika
Sa paaralan man o sa medisina
Tumutulong ito para magkaunawaan
Ito ang mag dadala sa tuwid na daan

Ginagamit ito sa maayos na komunikasyon
Galing ito sa maayos na edukasyon
Dahil dito nagagawa ko ang magtrabaho
Gamutin ang lahat lalo na ang naperwisyo

Retorika at medisina ay lagging magkasama
Kung wala ang isa hindi ito uubra
Isipin ninyo kung walang komunikasyon

Paano na ang kanilang medikasyon
Retorika Sa Medisina

Isinulat nina: Adam Cezar, Rachelle Landicho, Larra Moreno,
Jenna Arlegui at Eddie Dumale Jr. 

 Alam naman nating lahat na ang Retorika ay ginagamit natin sa pang araw araw na buhay. Mapa studyante, propesor, doktor o kahit dyanitor man. Unang una sa lahat, ano nga ba ang Retorika? ito bay ay isang asignatura sa ilalim ng Filipino? O isang salita na nakaligtaan na ng nakararami ang gamit ngunit gamit na gamit naman ito. Sa madaling salita ang Retorika ay masining na pagpahayag, ultimong opinyon mo ukol sa sanaysay na ito ay Retorika din.

 Sa larangan ng Medisina, hindi lingid sa kaalaman ng lahat na maraming kadugu-dugong mga salita ang pinag aaralan. Kung kaya't nasa kamay na ng doktor, nars o kahit sinong personalidad sa medisina ang pagpapaliwanag ng mga ubod ng komplikadong mga salita kagaya ng: "Hypocalcemia na nangangahulugang, mababa ang Calcium sa katawan at ang Calcium naman ay isang mineral na kailangan ng tao para sa pagpapatibay ng mga buto." 

 Masasabi natin na napakahalaga ng Retorika sa larangan ng medisina, paano na lang ito ipapaliwanag kapag nawala ang retorika? O maipaliwanag pa ba ito ng mga guro sa mga magiging doktor kung walang retorika? 

Miyerkules, Agosto 19, 2015

Kung bakit kailangan ng mdedisina sa retorika



Medisina para sa retorika
Marwyn Marcus P. LeaƱo

Tunay na ang retorika'y isang sining na malikha
Mga likhang nagagawa nitoy nakabibighani, nakamamangha
Kahit simpleng paggamit ng mga salitang marubdob
Nakakatuwa, nakakaaliw, nakakagaling sadya

Ngunit ang problema'y hindi sa retorika mismo
Kundi ang mga retorikang likha ng mga tao
Pasulat man o pasalita man ay sadyang nakakapanloko
Paano na ang pagunlad ng bayan? Paano na tayo?

Hindi maitatanggi na ang retorika ay kinakailangan
Ginagamit it ng mga tao, tayo, mga anak ng bayan
Pero utang ng loob, ang bawat salitang iyong binibitawan
Sa likod nito'y walang tangis at matigas na paninindigan

Kahit sa ngayon ako'y gumagamit ng retorika
Pagkat kailangan ko maghayag at maglahad
Kung wala ang retorika eh di ito'y wala sana
Tulang tungkol sa mga Retorikaristang kailangan magbayad

Parang away nyo na ang retorika'y isang magandang bagay
Isa ito sa mga nagdadagdag ng kulay sa buhay
Isang medisinang nakapanggagamot ng kalungkutan ng tao
Pero ngayo'y nakakapanakit nalang ito

RETORIKA'Y SINING NA MEDISINA
Angelica Jane A. Bolalin

I.
Isang medisina na para sa lahat
Sa masing na paraan ito'y isinisiwalat
Libreng gamot sa panloob na karamdaman
Sa buto't kaluluwa ito ay kagalingan

II.
Ang retorika'y sining ng bawat isa
Tumagops ito maging sa kaluluwa
Inukit man sa bato o sinulat ng makinilya
Iisa ang nais, ang ihayag ang katha

III.
Mga salita na sa bibig mo'y kinakalag
Hindi lang natatapos sa pag papahayag
Ito'y nakapag papagaling at nakapag papasaya
Mga pusong nabibigatan, nag kakaroong butil ng pag asa

IV.
Kaya masing na pag papahayag ay ating ipalaganap
Upang malusog at masaganang buhay ay ating malasap
Maligayang salita ay parang pulot pukyutan
Matamis sa kaluluwa at isang kagalingan

V.
Medisina kung ituring ang bawat retorika
Sinasalat ang kasuluksulukan ng bawat mambabasa
Binago ang nakasanayang ugali at gawa
Sa buto, laman at kaluluwa ito"y medisina